"Welcome po sa official Blogspot ko"

Posted by Ako Si Zac On Saturday, July 10, 2010 0 comments

Ito po ang Official Blogspot ko na you can DOWNLOAD my songs. Kung hindi nyo pa ako kilala, ako si Aldrin V. Del Rosario 17 yrs Simple bata na taga Laguna na nangarap na makilala sa larangan ng "RAP". Ako po ay nagsimula makinig ng rap since Elementary. My First memorize song noon ay ang "STUPID LOVE" ng "SALBAKUTAH(Dongalo Wreckords)", sumunod ang kanta nilang "Di ako Karapat Dapat" at yun tuloy tuloy na ang pakikinig ng Rap song ma-Foreign man o local yan ang aking pinapakinggan. At nung H.S. ako sa International Philippine School in Jeddah(IPSJ) nauso doon ang kantang"BINIBIROCHA", "PINK PALAKA" ni kuya"ANDREW E." . Then ng mag-Graduate ang ate ko umuwi na tuluyan dito sa pinas at dito ko na ipinagpatuloy ang H.S. ko. Then Nakilala ko ang grupong "GAGONG RAPPER" dahil sa kanta nilang "KABET" at "SANA". At doon na ako nag-research ng mga rapper dito sa pinas at natutong mag rap dun ko rin nakilala ko ang "LAGUNA CLAN" si kuya "DUDELEY JAB" ng "YAMANOZE CLAN" lang ang kilala ko nun kasi gusto ko noon makapag-record sa Studio nila at sumali, my First Composition na rap ay "KULANG NA KULANG BA" ngunit sinasabayan ko lang ang kanta ng ''FLOETICS" at pinatungan ko ng boses ko na record lang sa MP3 Player. May nakatuklas ng talento ko ang pangalan nia ay kua "KARIZMO" ng "LIRIKONG SUPREMO" siya ang unang nakarinig nung song na yun at sya rin ang nagbigay ng una kong BEAT/INSTRUMENTAL na ang "KAHIT PALIHIM" na nagawan ko siya ng kanta at recorded lang ulit sa MP3 Player. At Simula nun Tuloy tuloy na ang pagcocompose ko ng kanta, at ng makapagrecord na sa computer ng pinsan ko. ang First Song ko nun ay ang Represent kaso bad quality kasi wala pa akong alam sa pag-eedit ng vocals at yun Record lang ng Record ng makabuo ng kanta. Ang First Label ko ay ang "MALUPET RECORDS" na hawak ni ate "STRAZY" at siya rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngaun kasi sa pag-aalaga niya sakin. At sa kanya ko rin nakilala sina kuya "KHAKU","jAYTEE","DJ MH4CK/CRAZiiE ONE","PAAKYEWT",''ENZO/PEBORITZ" at marami pang iba. At ngayon ang Label ko po ngayon ay "LIMITED RECORDS PRODUCTION" na hawak ni "JOMBEST". 4 yrs. na po ako sa Rap Industry and still rappin' kaya sa mga HATERS, hate me more Coz Im becoming FAMOUS!!! Salamat po sa Pagtulong Kuya Khaku sa Blogspot ko maraming salamat po talaga sa iyo. Peace out...

No comments: